Una sa Balita

Mister ni Pangasinan Mayor Casareno inambus

0 471

PATAY ang asawa ni Rosales, Pangasinan Mayor Susan Casareno matapos siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Carmay, Rosales, Pangasinan kahapon nang madaling-araw.

Kinilala ni Rosales Police Station comman­der P/Maj. John L. Corpus ang biktima na si Reynaldo L. Casareno, 56-an­yos, chairman ng Barangay Tomana East.

Nangyari ang insidente ala-1:05 nang mada­ling-araw, bigla umanong tinapatan ng mga suspek si Casareno na nakasakay sa motorsiklo saka ito pinagbabaril.

Agad na namatay ang biktima dahil sa tinamong mga bala ng baril sa kanyang katawan sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Ayon sa mga nakasaksi, agad na tumakas ang mga suspek pagkatapos ng pamamaril sa biktima.

Hindi muna nagbigay ng komento ang alkalde hinggil sa pagpaslang sa kanyang asawa.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang lokal na pulis hinggil sa insidente. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy