Una sa Balita

Mister ni Dimples sumuka ng dugo

0 661

Sinakmal ng takot at pangamba na baka maulila agad sa asawa si Dimples Romana, matapos magsuka ng dugo ang mister niyang si Boyet. Biglang kinansela ni Dimples ang dapat sana ay taping niya ng “Kadenang Ginto” para isugod sa ospital ang asawa niya.

Sa posting nito ng larawan nilang dalawa ni Boyet na magkahawak ang kamay at may suwero ang kamay ng huli, ikinuwento ni Dimples sa caption na nataranta siya nu’ng magsuka ang kanyang mister. Lalo na nu’ng may lumabas na dugo sa bibig nito. Sobrang natakot ang aktres na baka mamatay ang kanyang asawa nu’ng oras na ‘yon.

Sa kuwento pa rin niya, nasa soft diet sana ang asawa na nasa proseso pa lang ng pagpapagaling nu’ng maoperahan ito sa lalamunan kamakailan lang. Nasabik sa pagkain ang asawa at napakain ito nang marami kinagabihan.

Ang resulta, nagkaproblema ito sa lalamunan dahilan para magsuka ng dugo. Mabilis namang nabigyan ng lunas ang asawa nu’ng ipasok ito sa operating room.

Nagpasalamat si Dimples sa mga doktor at nurse na umagapay sa kanila ng kanyang asawa sa Medical City.

Nagpapagaling na lang ang mister ni Dimples at nakalma na rin ang aktres. Na nu’ng mga oras na ‘yon ay nawala nga ang pagka-Daniela Mondragon niya.

Jean Garcia kilig to death kay Stephen Baldwin

Kinilig nang todo si Jean Garcia sa ginawang pag-alalay sa kanya ng Hollywood actor na si Stephen Baldwin. Naka-post sa Instagram ni Jean ang video ng pagdalo nila ni Stephen sa premiere night ng pelikula nilang “Kaibigan”.

Mapapanood sa video na magkasunod na pumapasok sa venue sina Jean at Stephen. Nauna si Jean at nakahawak ang mga kamay ni Stephen sa dalawang balikat ng aktres para i-guide ito at protektahan sa mga fan.

Nag-feeling Hollywood din ang Kapuso star sa importansya ni Stephen sa kanya, na nagpaka-gentleman naman nang mga sandaling iyon.

Lambingang Khalil, Gabbi winasak ni ‘Tisoy’

Nauwi sa goto ang dapat sana ay lambingan sa isang resort sa Batangas ng magkasintahang Gabbi Garcia at Khalil Ramos, bilang birthday gift ng Kapamilya star sa Kapuso star.

Nalusaw ang excitement ni Gabbi na magkaroon ng romantic at special celebration sana sa kanyang kaarawan kasama si Khalil sa resort-spa sa Batangas dahil kay bagyong “Tisoy”.

Sa kuwento ni Gabbi sa Instagram niya, pinaghandaan na nila ni Khalil ang out of town birthday getaway nila. Pagka-pack up nito sa taping ng 1:00 am, sinundo na siya ni Khalil para dumiretso na sa pupuntahang lugar.

Pero malakas na ang hangin dulot ng bagyo, kaya nagdalawang isip na ang magkasintahang umalis. Sa halip ay pumunta sa isang fast food resto at kumain ng goto.

Matapos nito, umuwi na lang ang dalawa sa bahay ni Gabbi at doon na lang sila nanatili. Gumuho man ang galak sa puso ni Gabbi, nakuntento naman ito dahil magkasama sila ng nasabing boyfriend niya.

Bela stranded sa S’pore dahil sa bagyo

Paglabas ng item na ito, nakauwi na marahil si Bela Padilla sa Pilipinas mula sa Singapore. Isa si Bela sa mga naapektuhan ng bagyong “Tisoy”.

Sa kanyang tweet, nanawagan si Bela sa @flypal para mag-follow up ng kanyang flight o status sa ‘Pinas. Sa posting ni Bela, tinatawagan niya ang nasabing opisina pero wala raw sumasagot.

Humingi ng tulong si Bela sa mga kababayan niya sa Singapore para ma-assist siya.

Walang dudang nag-panic din ang aktres sa kanyang kalagayan, pero hindi yata naisip ng aktres na dead ang ibang electricity at communication sa ‘Pinas.

Kaya siguro hindi siya sinasagot ng opisina sa Singapore sa rami ng inquiries. Sabi sa comment ng ilan kay Bela, maghintay ito at siguradong makakatanggap din ito ng feedback.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More