Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mister ni Ara Mina tatakbong kongresista sa Laguna

0 186

Pormal nang naghain ng kanyang kandidatura para sa pagka-kongresista ng San Pedro, Laguna si Dave Almarinez, asawa ng aktres na si Ara Mina.

Todo suporta ang “Ang Probinsyana” aktres nang maghain ng Certificate of Candidacy ang kanyang asawa sa Comelec Provincial Office ng Laguna nitong Miyerkules ng hapon.

Mainit na tinanggap ng kanyang mga taga-suporta ang kandidatura ni Almarinez. Siya ay inaasahang “heavy favorite” sa darating na halalan dahil siya ay consistent No. 1 na bokal sa unang distrito sa tatlong pagkakataon.

“Opisyal ko pong inihahayag ang aking pagtakbo bilang Lone District Representative ng San Pedro Laguna. Nais ko pong maging bahagi ng kasaysayan at makaambag sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga kapwa ko taga San Pedro Laguna,” ani Almarinez. Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng sariling kongresista ang San Pedro bilang isang Lone District sa 2022.

Leave A Reply

Your email address will not be published.