Una sa Balita

Mister naburyo, nanutok ng patalim, 5-anyos na bata dinukot

By
0 717

NANG dahil sa init ng ulo, nahaharap ngayon sa dalawang kasong kriminal ang isang mister nang pasukin ang isang tutukan ng patalim ang kapitbahay at tangayin ang isang 5-anyos na paslit nang mabigong makita ang kanyang misis matapos ang mainitang pagtatalo sa San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa.

Nakadetine ngayon ang suspek na nakila­lang si Garry Sentillesis y Bohol, 31-anyos, may-asawa ng Bara­ngay Gaya-Gaya, ng nasabing lungsod na nahaharap ngayon sa kasong kidnapping at grave threat matapos pasukin sa loob ng kanyang bahay ang isang babaeng kapitbahay at tangayin ang isang 5-anyos na batang lalaki.

Mabilis na naaresto ang suspek at nahaharap sa dalawang kasong nabanggit.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy