Una sa Balita

Mister na nangulila sa misis na nasa abroad, nagbigti

By
0 345

DAHIL sa sobrang depresyon matapos mangulila sa misis na nag-abroad ay nagawang wakasan ng isang mister ang kanyang buhay sa Limay, Bataan.

Kinilala ang biktimang si Eduard Bonos, 28-anyos, at residente ng Roman Ville Subd., Brgy. St. Francis ng nabanggit na bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, huling nakita ang biktima bandang alas-siyete kamakalawa nang gabi ng kanyang mga kapitbahay.

Abante Hiring – IT dep

Nadiskubre ang ginawang pagpapatiwakal ng biktima ng makisuyo ang maybahay ng biktima na nasa bansang Spain sa kamag-anak na puntahan sa kanilang bahay ang mister dahil hindi umano ito sumasagot sa kanyang tawag sa telepono.

Mula sa bintana ay nakitang nakabitin umano ang biktima gamit ang nylon cord at wala nang buhay.

Nabatid na isang taon pa lamang kasal ang biktima at misis nito nang mag-abroad.

Nag-iwan rin umano ng suicide note ang biktima na labis ang kanyang kalungkutan, kasabay ng pamamaalam sa kanyang misis at mga kaanak.