Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mister hinipo kapitbahay, timbog

0 146

Nadakip na ng pinagsamang puwersa ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Sub-Station 3 (SS3) ang isang mister na wanted dahil sa panghihipo sa menor-de-edad na kapitbahay sa Navotas City, kamakalawa.

Si Lucio Macatangay, 47, residente ng E. Tuazon St., Barangay San Jose ng lungsod ay nahaharap ngayon sa kasong Acts of Lasciviousness in Relation to Section 5 (b) R.A. 7610 (3 counts) nang ireklamo ng mga magulang ng kanyang kapitbahay na ginawan nito ng kahalayan nitong nakalipas na taon.

Nagtago sa batas si Macatangay kaya inisyuhan siya ng warrant of arrest ni Hon. Cecelia B. Parallag, Presiding Judge Regional Trial Court Branch 9 Family Court, Navotas City.

Alas-2:50 ng hapon, may natanggap na impormasyon ang WSS at SS3 na nakita sa kanilang bahay si Macatangay. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon ang mga pulis at inaresto ito na payapa namang sumama sa mga pulis. (Orly Barcala)

Leave A Reply

Your email address will not be published.