Una sa Balita

Mister bugbog-sarado sa mag-utol, pinsan

0 236

SARADO ang dalawang mata dahil sa black eye, sabog ang nguso at lamog ang buong katawan ng isang mister makaraang pagtulungang gulpihin ng dalawang magkapatid at kanilang pinsan sa Valenzuela City, Huwebes nang gabi.

Hanggang ngayon ay wala pa ring malay sa Valenzuela Emergency Hospital ang biktimang si Michael Sicat, 26, nakatira sa San Mateo Rizal, dahil sa labis na pagkagulpi.

Arestado naman sa follow-up ope­ration ang mga suspek na sina Raymond Austral, 26; kapatid na si Joseph, 24 at pinsan nilang si Ryan Jay Austral, 19, mga residente ng No. 1031 Ulingan St., Lawang Bato, Valenzuela City.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:45 nang gabi, nag-iinuman sa loob ng bahay ng magkapatid na Austral ang biktima, kasama ang pinsan ng mga una.

Sa dami ng nainom, nagkakulitan sina Sicat at ang tatlong magkakamag-anak.

Dahil doon, pinagtulungan nilang gulpihin ang biktima. Nahinto lamang sa pambubugbog ang mga suspek nang mawalan na ng malay ang una. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy