Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mister binuwis-buhay sa utol

0 130

Dahil sa pagtatanggol sa kapatid, pinagtulungang bugbugin hanggang sa mapatay ang isang mister ng dalawang lasing sa Quezon City, nitong Miyerkules ng gabi.

Ang biktima ay si Jimmy Ferraren Satina, 51, may-asawa, tubong Negros Occidental at taga-Block 1, Lot 1, Pook Pagasa, Brgy. Batasan Hills, QC.

Agad namang nadakip ang suspek na sina Rustom Reyes, 49, dental technician, taga-Mandaluyong City, at Mark Alister Potot, 33, binata, guwardiya, ng Brgy. Commonwealth, QC.

Sa report ng Batasan Police Station, ng Quezon City Police District, alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng tahanan ng biktima sa nasabing barangay.

Ayon kay PMSg Jonathan Lugo, ng PS 6, nakatayo sa harapan ng kanilang tahanan ang biktima at nakikipag-usap sa utol na si Joven Satina at isang Franz Sanopao nang mapadaan ang mga lasing na suspek at sa hindi malamang dahilan ay biglang sinipa ni Potot si Joven.

Mabilis namang dinepensahan ng biktima ang kapatid at hinabol ang mga suspek.

Dito naman pinagtulungang bugbugin ng mga suspek ang biktima at iniwang nakabulagta sa kalsada.

Isinugod sa Rosario Maclang Bautista General Hospital ang biktima subalit binawian din ito ng buhay. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.