Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mister binosohan naliligong dalaga

0 353

HINDI na nakapalag pa ang isang construction worker nang arestuhin pagbaba nito sa bubungan matapos na nahuling namboboso sa dalagang naliligo sa banyo sa Cavite City, Lunes ng madaling araw.

Kasong Unjust Vexation ang kinakaharap ng suspek na si Emilio Delos Santos, 53, may-asawa, taga-441 F. Dela Cruz St., Brgy 37A Caridad, Cavite City dahil sa reklamo ni Leah (di tunay na pangalan), 22, isang Office Staff ng Cavite City.

Sa ulat ni PSSgt Armangel Genuino ng Cavite City Police Station, alas-3:50 ng madaling araw habang naliligo si Leah sa banyo ng kanilang bahay ay naramdaman niyang tila may namboboso sa kanya.

Hind nga siya nagkamali nang nakita ang mga matang naninilip sa bintana ng kanilang banyo kaya nagsisigaw ito at sa taranta ng suspek ay tumalon ito sa bintana pero pagbaba nito ay nakaabang naman ang mga barangay tanod na rumesponde sa lugar. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.