Una sa Balita

Missile mula Yemen pinasabog ng Saudi Arabia

By
0 113

Nasabat at pinasabog ng Saudi Arabia nitong Sabado ang pinakawalan na ballistic missile ng mga rebelde sa katabing bansang Yemen.

Ito ang unang missile attack na ginawa ng Huthi rebels sa capital ng Saudi Arabia mula nang sumiklab ang gulo sa pagitan ng mga rebelde at gobyerno ng Yemen.

Isang malaking pagsabog ang narinig sa labas ng King Khalid International Airport na siyang target ng missile at wala namang iniulat na nasaktan o nasirang bahagi ng gusali.

Target ng missile attack ang mataong lugar ng Riyadh subalit pinabagsak ito ng Patriot surface-to-air-missile na binili ng Saudi sa Estados Unidos.

Suportado ng Saudi-led coalition si Yemeni President Abedrabbo Mansour Hadi habang ang mga rebelde ay tinutulungan naman ng bansang Iran.

Nagdulot naman ng pangamba sa maraming overseas Filipino workers (OFWs) ang missile attack sa Riyadh. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy