Una sa Balita

Miss Universe Demi-Leigh sanay sa bugbugan

By
0 209

Umiral na naman ang mang­huhula menta­lity ng ilang Pinoy sa pag-predict na si Miss Philippines Rachel Peters ang mananalo bilang Miss Universe. May kanya-kanya silang hula na muling masusungkit ng Pilipinas ang ika-apat na Miss Universe crown.

Pero maling Peters ang nahulaan nilang mananalo dahil ang nagwagi ay si Demi-Leigh Nel-Peters ng South Africa ang nagwagi ng korona.

Anyway, degree hol­der in business management mula sa North-West University sa South Africa ang 22 years old na si Demi-Leigh. Fluent sa lengguwaheng English at Afrikaans ang bagong Miss Universe.

Noong manalo bilang Miss South Africa 2017 si Demi-Leigh, puwedeng niyang i-represent ang kanyang bansa sa Miss World at Miss Universe pageants. Pero dahil masyadong magkalapit ang dates ng dalawang pageants, sa Miss Universe na lang siya pinadala.

Isang self-defense expert din si Demi-Leigh at nais niyang magturo ng mga nalalaman niya sa self-defense sa mara­ming kababaihan.

Tatlong buwan pagkatapos siyang makoronahan bilang Miss South Africa, na-carjack ang sasakyan niya sa Hyde Park at pinilit siyang ipasok sa kotse ng mga carjacker.

Nilakasan ni Demi-Leigh ang kanyang loob kaya sinuntok niya sa lalamunan ang isa mga lalake at nakatakas siya para makapagtawag ng tulong.

Titira sa isang lu­xury apartment in New York with a one-year salary si Demi-Leigh during her year-long reign as Miss Universe.

Magsisimula nang mag-guest si Demi-Leigh sa iba’t ibang TV shows sa U.S. para sa ilang interviews bilang ang bagong hirang na Miss Universe. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy