Una sa Balita

Miss U Pia meets DU30

By
0 217

Bukas, araw ng Lunes, ay nakaiskedyul na mag-courtesy call kay Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte si Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach at inaasahan na matatalakay ng dalawa ang planong pagdaraos ng pageant sa Pilipinas.

Nauna nang nagpahayag ng suporta ang Pangulo sa natu­rang ideya at maituturing umano itong “approved in principle”.

Ayon kay Tourism Sec. Wanda Teo, naniniwala si Pangulong Duterte na malaking tulong sa tourism marketing ang pagdaraos ng nasabing pageant sa bansa lalo pa at isang Pinay ang kasalukuyang Miss Universe.

Sakali mang ­matuloy, ani Teo, pag-aaralan kung sa Palawan, Boracay o Cebu idaraos ang ­pageant.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More