Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Miss U PH tutulong sa mga batang kapuspalad

0 9

Matutunghayan ang koronasyon ng susunod na Miss Universe Philippines sa pag-stream ng preliminary competition at grand coronation night ng sa KTX.PH mula Sept. 21 to Sept. 25.

Magtatagisan ang 30 kandidata ng talino sa preliminary question and answer competition sa Sept. 21 (Martes) at sa paghaharap nila sa preliminary swimwear at gown competition sa Sept. 23.

Sa Sept. 25 naman matutunghayan ang pagkorona ng bagong pambato ng bansa sa Miss Universe pageant na gaganapin sa Israel sa darating na Disyembre.

Naglalayon din ang pageant na makatulong sa mga batang nangangailangan dahil bahagi ng ticket sales ay mapupunta sa Save the Children Philippines, ang local unit ng Save the Children, ang nangungunang independent children’s organization sa mundo na may mga proyekto na pang-humanitarian response, pang-kalusugan, pang-edukasyon, at para sa children’s rights.

Sa halagang P599, mapapanood ng fans ang tatlong show. Mag-log in lang sa Miss Universe Philippines 2021 para bumili ng tickets. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.