Una sa Balita

Miss U delegates, welcome sa Albay!

By
0 163

Ngayong official na dito na nga gagawin ang Miss Universe sa ating bansa sa January 2017, marami talaga ang excited dahil almost 23 years ago na nung huling gawin ito dito sa Pilipinas.

Kanya-kanyang opinyon ang Pinoys tungkol dito. May nagsasabi na pabor ito sa Bb. Pilipinas na si Maxine Medina dahil mas mabu-boost ang morale nito. Mas tataas daw ang confidence nito dahil mas maraming kababayan ang magtsi-cheers para sa kanya.

Sa kabilang banda, disadvantage raw ito para kay Maxine dahil baka raw maging maingat ang mga hurado sa pag-score sa kanya dahil ayaw nilang pagdudahan na isa itong hometown decision.

Kaya, kahit deserving ang ating pambato, eh, masilat pa ito at hindi matupad ang isang back-to-back win para sa ating bansa. (“Ang alam ko, Glenn, mga sikat na personalidad mula sa ibang bansa ang mga nagiging hurado sa Miss Universe, at ang Miss U Org mismo ang kumukuha sa kanila, kaya hindi sila basta-basta maiimpluwensiyahan” — DS).

Ang isa sa pinakamasaya sa pag-hold ng Miss U sa ating bansa ay si Albay Congressman Joey Salceda na isa sa pinakamasipag na Albayanos sa pagpu-promote ng aming probinsiya bilang sentro ng turismo.

Nabanggit nga niya sa kanyang FB account na isa sa pagdadausan ng segment portion ng Miss U ay ang Albay nga na handpicked mismo ng DOT Secretary Wanda Teo.

Kung totoo nga ito, bilang true-blooded Albayano, proud talaga kami dahil maraming napakagandang tourist spots doon na dapat nang makita ng buong mundo sa pamamagitan ng Miss U.

Hindi lamang puro Mayon Volcano o Cagsawa Ruins ang makikita sa Albay kundi napakarami pa na talagang nature’s gift to humanity.  Kaya as early now, goodluck kay Maxine at congrats sa mga Albayanos.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy