Una sa Balita

Miss U bet ng France, Malaysia natumba sa runway Queen Cat todo alalay sa mga Miss U candidate

0 522

Beauty with a class. ‘Yan ang pinatunayan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa preliminary competition ng Miss Universe 2019.

Sa swimsuit competition, natumba sina Miss France at Miss Malaysia dahil sa dulas ng runway, maging ang iba pang kandidata ay muntikan ding maaksidente.

Dahil dito, inanunsyo ni Catriona na itigil muna ang pagrampa ng mga kandidata at pinapunasan muna ang sahig para makaiwas sa disgrasya. Matapos nito ay nagbigay ng mensahe si Cat para sa mga nadapa sa stage.

“We witnessed earlier these amazing women come out here, glowing with confidence, and even though we had a few falls, they took themselves up. They stood back up again. And I just want to take the chance to acknowledge that,” saad ni Catriona.

Pinuri rin ni Queen Cat ang audience na patuloy ang pag-cheer sa mga bumagsak na contestant.

“I want you all to give yourselves a round of applause for being an amazing audience, for really encouraging those girls to get back up on their feet. Thank you so much.” (RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More