Una sa Balita

MISS U 2017 SA MANILA, SAGOT NG GRUPO NI CHAVIT

By
0 168

Siniguro ng Department of Tourism (DOT) na 100% na walang ilala­bas na pondo ang pamahalaan sa idaraos na Miss Universe pa­geant sa Pilipinas sa susunod na taon.

Sa press briefing sa Malacañang kahapon, sinabi ni Tourism Secretary Wanda Teo na sasagutin ng pribadong sektor partikular na ng grupo ni dating Ilocos Sur Governor Luis ‘Chavit’ Singson ang multi-milyong gastos sa prestihiyosong beauty contest.

“DOT is not going to spend any money as I have promised the Pre­sident and it’s the private sector, which is our partner, which is Chavit Singson’s group that’s going to raise the 11 million dollars fund for the Miss Universe… and I’m very sure, 100% sure, that the government is not going to spend any money for the Miss Universe,” pagbabanggit ni Teo.

Sa kasalukuyan aniya ay kalahati na ng target na pondo ang nalilikom ng grupo ni Singson.

Napag-alaman na idaraos ang coronation night ng Miss Universe sa Enero 30, 2017 sa Mall of Asia (MOA) Arena, pero ayon kay Secretary Teo, pagsapit ng Enero 13, 2017 ay simula nang magsisidatingan ang mga kandidata.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More