Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Miss Taguig supalpal! Rabiya may ‘K’ sa korona- Malacanang

0 204

Naniniwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na karapat-dapat si Miss Iloilo City Rabiya Mateo na manalo sa katatapos na Miss Universe Philippines.

“Si Iloilo, runaway winner siya doon sa swimsuit at saka doon sa Q and A, at least sa akin ‘no. Pero siyempre, napakahirap talaga kasi alam mo iyong mga diperensiya ng scores, I understand, fraction lang – ni wala man lang one point difference,” pahayag ni Roque sa panayam sa radyo.

Ani Roque, nangibabaw si Mateo sa swimsuit at Q&A portion ng kumpetsyon kung saan ay isa ang presidential spokesman sa tumayong judge sa finale competition na ginanap sa Baguio Country Club noong Sabado.

“So talagang napakahirap mag-judge. Pero standout talaga si Ms. Iloilo doon sa swimsuit at saka doon sa Q and A niya,” dagdag nito.

Ang pahayag ay ginawa ni Roque matapos ibunyag ng kandidato ng Taguig na si Sandra Lemonon na nagkaroon umano ng paglabag sa pageant rules ang ilang kandidata sa Miss U.(Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.