Una sa Balita

Miss Marshall silat kay Royal Jewels

0 394

BINULAGA ni third favorite Royal Jewels ang outstanding favorite na si Miss Marshall sa naganap na Condition Race (17) sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite Martes ng gabi.

Halos makuha ni Miss Marshall ang panalo sa huling 200 metro ng laban kung saan dalawang kabayo ang kanyang lamang kay Royal Jewels.

Subalit nagtiyaga si Class A rider PJ Guce, walang tigil na kinayog at hinataw si Royal Je­wels upang makaungos ng kalahating katawan kay Miss Marshall.

“Alam ko may lakas pa si Royal Jewels sa rekta kaya ginalit ko nang todo upang habulin si Miss Marshall,” saad ni Guce.

Malayong tersero liyamado si Royals Jewels na sinundan agad si Miss Marshall sa largahan.

“Hindi ko pinalayo, pagsunggab ni Miss Marshall ng unahan ay pumuwesto na agad kami sa segundo upang madali kaming maka-remate sa rektahan,” ani Guce.

Pangatlong tumawid ng meta sa 1,400-meter race si Big Nevada habang pang-apat si Batang Arrastre. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy