Una sa Balita

Miss Magnetico World 2019 Winner, binigyang-parangal

0 311

ALAM NA THIS

Binigyang-pagkilala ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar si Ms. Niña Ruth Vega, na kinoronahan bilang kauna-unahang Miss Magnetico Philippines World 2019 kamakailan.

Sa idinaos na regular flag raising ceremony sa harapan ng Las Piñas City Hall, iniabot ng alkalde kay Vega ang Certficate of Recognition at P50,000 cash matapos na magwagi sa naturang prestihiyosong patimpalak.

Related Posts

Si Vega, isang Grade 10 student ng University of Perpetual Help, System Dalta, Las Pinas Campus ay anak nina dating police beat reporter na Vic Vega ng Manila Bulletin at Sports Reporter na si Virgie Rodriguez Vega.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan naman ni Mayor Aguilar si Vega, na naging isang mabuting ehemplo sa mga kabataan, dahil sa paghahatid niya ng karangalan sa lungsod.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy