Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Miss Eco- Int’l suportado turismo, pangangalaga sa kalikasan

0 88

PINAIGTING ng bagong hirang na Miss Eco-International 2022 na si Kathleen Paton ang kanyang panawagan para sa pagsuporta sa environmental conservation pagkatapos ng pandemya.

Si Paton ay masayang binati ng mga lider at miyembro ng Turismo Isulong Mo Partylist na kamakailan ay nag-imbita sa beauty queen sa pagbisita sa ilang ecological park at farm resorts sa Davao City.

Ayon kay dating DOT Sec. Walda Tulfo-Teo, 1st nonimee ng TURISMO, nagagalak sila sa panalo at tagumpay na natamo ni Kathleen na nasungkit ang Miss Eco-International.

Ayon kay Teo, isang malaking karangalan makatuwang nila si Miss Paton sa pagsusulong ng sustainable development at pangangalaga sa kalikasan na pinagmumulan ng ating kabuhayan.

Sabi ni Teo, ikinagagalak ng #156TURISMO Partylist na makakapit-bisig si Paton sa adbokasya ng environmental conservation, sustainable at responsible tourism bilang pagsasa-alang-alang sa mga darating na henerasyon.

Pumatok ang adbokasya ng 24-anyos na tubong Boracay, Aklan, sa Miss Eco-International pageant na ginanap noong Biyernes sa Cairo, Egypt kung saan inilahad nya ang kahalagahan ng sustainable development at karanasan ng bansa sa taunang pananalasa ng mga bagyo.

Sa pangunguna ni Teo, ang #156TURISMO Partylist ay naghahangad na maging kinatawan sa Kongreso ng mga maliliit na stakeholders ng tourism industry upang isulong ang kanilang kapakanan at interes.

Leave A Reply

Your email address will not be published.