Una sa Balita

Misis todas sa nagselos na mister sa Laguna

By
0 946

DAHIL sa sobrang se­los, napatay ng isang lalaki ang kanyang misis matapos ang mainitang pagtatalo ng dalawa sa kanilang bahay sa Biñan City, Laguna, Lunes nang madaling-araw.

Kinilala ng Biñan police ang biktima na si Nancy Mauzar y Rey, 32-anyos. Habang naaresto ang suspek na si Alex Mauzar y Sapu­ngan, 39-anyos.

Batay sa report, matapos na umuwing lasing ang suspek, nag-away umano ang mag-asawa dahil sa pagseselos ng mister sa kanyang misis.

Sa kainitan ng pagtatalo, kumuha ng kut­silyo ang mister at sunod-sunod na sinaksak ang babae na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Itinakbo pa sa ospital ang ginang subalit nasawi rin ito.

Naaresto naman ng mga pulis ang suspek at nakakulong na sa Biñan Police Station lock-up cell at sasampa­han ng kasong parricide.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy