Una sa Balita

Misis tinodas ni mister bago nagbaril ng sarili sa Hawaii

0 329

HONOLULU HAWAII – Pinatay ng kanyang mister ang kanyang misis sa panibagong murder-suicide na ­kinasasamgkutan ng mag-asawang Pinoy sa Amerika.

Nakahandusay sa sahig nang datnan ng mga ­pulis ang mag-asawang Marcos Villaspir, 48 at ­Imelda, 47 sa isang home care sa Kalihi ­Honolulu, Hawaii

Itinawag ng kapitbahay sa 911 ang insidente matapos na barilin ni Marcos si Imelda.

Ayon sa Honolulu Police binaril din ni Marcos ang kanyang sarili.

Dead on the spot si mister habang nadala pa sa Queens Medical Center si misis na namatay rin.

Batay sa court record sa Honolulu, nasa ilalim ng restraining order si Marcos matapos ang divorce ng mag-asawang Villaspir.

Nitong nakaraang buwan ay ipinawalang bisa ng korte ang kasal ng dalawa na posibleng dahilan ng pagpatay ni mister sa kabiyak.

Naulila ng mag-asawang Villaspir na pawang taga Ilocos Sur ang kanilang dalawang anak.

(Dave Llavanes Jr. )

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy