Una sa Balita

Misis tinodas ng pinagtawanang mister

By
0 78

Isang Amerikano ang kinasuhan sa pagpatay sa kanyang misis habang nasa cruise sila sa Alaska dahil ayaw umanong tumigil ang huli na pagtawanan ang kanyang mister, ayon sa mga awtoridad.

Nakapaloob sa mga court documents na iniharap nitong Miyerkules, nadiskubre ang krimen nang magtungo ang isang tauhan ng Emerald Princess sa cabi­n na inuukopa ng mag-asawa na sina Kenneth Manzanares, 39, at Kristy at nakita nito na patay na ang babae at naliligo sa sariling dugo mula sa sugat sa ulo nito.

Nakita rin ng mga saksi na nagtungo sa kuwarto ng mag-asawa, bago dumating ang mga imbestigador, nakitaan ng dugo sa kamay at damit si Manzanares.

Nang tanungin umano ito ng isa sa mga saksi kung ano ang nangyari, sumagot si Manzanares: “She would not stop laughing at me,” ayon sa affidavit. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy