Una sa Balita

Misis tigok sa ipinasok na mortar bomb sa ari

0 4,302

NAUWI sa trahedya ang eksplosibong pagtatalik ng mag-asawa sa Peru matapos pasukan ng ornamental mortar bomb ang ari ni misis na kanyang ikinamatay.

Sa ulat ng pahayagang The Sun sa United Kingdom, kinasuhan ng murder si Ruben Valera Cornejo matapos na ipasok sa ari ng kanyang misis ang mortar na may habang 16 pulgada at may lapad na 2.4 inches.

Ipinaliwanag ni Cornejo sa mga awtoridad na wala siyang maalala dahil sa sobrang kalasingan. Ang natandaan lang umano niya ay humirit ang kanyang asawa na gamitan siya ng mga sex toy sa kanilang pagtatalik sa kanilang bahay sa Arequipa.

Nakatulog umano si mister at nang magising ito ay hindi na gumagalaw ang kanyang misis.

Nakita ng mga pulis ang duguang mortar na may pubic hair sa loob ng handbag kasama ang iba pang sex toy.