Una sa Balita

Misis sinuro ng trak, nagulungan pa

0 326

NASAWI ang isang 25-anyos na ginang habang sugatan ang mister nito nang tumbukin ang sinasakayang motorsiko at nagulugan pa ang una sa Dasmarinas City, Cavite.

Namatay noon din ang biktimang si Gelli Palce, habang ginagamot sa pagamutan ng Dasmarinas City ang mister nitong si Erickson Palce, 35, kapwa residente ng Block 84 Lot 54, Golden Horrison Villas, Brgy. Hugo Perez, Trece Martires City, Cavite.

Naaresto naman ang driver ng isang Isuzu Rebulit Flat Bed na truck na may plakang NAO 3436 na si Junny Macahilos, 39 ng Sitio Ipilan, Brgy. San Agustin 3, Dasmariñas City Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Ronald Manaig ng Dasmarinas City Police Station, alas-6:45 kamakalawa nang gabi nang naganap ang insidente kung saan minamaneho ng biktima ang kanyang Yamaha Mio na motorsiklo at angkas ang kanyang misis habang binabagtas ang kahabaan ng Aguinaldo Highway, Bgry. Agustin 2, Dasmarinas City, Cavite patungo sa direksiyon ng Palapa nang pagsapit sa lugar ng Via Verde ay isang lalaking nagmanado ng trapiko at pinatigil ang motorsiklo ng mag-asawa para sa mga lalabas na sasakyan mula sa Via Verde.

Gayunman, dahil sa pagtigil motorsiklo ng dalawa ay hindi nakapag-preno ang kasunod nitong sasakyan na minamaneho ni Macahilos na may dalang bakal dahilan upang mabangga nito ang mag-asawa at tumilapon ang kanilang motorsiklo at magulugan pa si Gelli.

Namatay noon din si Gelli habang ang kanyang mister ay isinugod pa sa pagamutan dahil sa tinamong pinsala sa katawan. (Gene Adsura)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy