Una sa Balita

Misis, sinaksak, ginilitan ni mister

By
0 470

AGAD na nasawi ang isang misis matapos na pagsasaksakin at gilitan ng leeg ng kanyang mister sa Brgy. Tongko, Tayabas City, Quezon kamakalawa nang umaga.

Ayon sa mga imbestigador ng Tayabas police, sobrang selos ang dahilan ng kalunos-lunos na krimen.
Kinilala ang biktima na si Rechell Magtanggol Carabido, na hindi na naisugod pa sa ospital at agad na binawian ng buhay.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-8:30 nang umaga nang galit na dumating ang suspek na si Fernando Patubo Carabido, sa bahay ng kanyang biyenan kungsaan naroon ang asawa.

Wala nang nagawa ang mga kasambahay ng biktima nang kaagad pagsasaksakin at pagkatapos ay ginilitan pa ng leeg ng suspek.

Ilang araw na umanong may alitan ang mag-asawa na siyang nagbunsod upang umalis muna ng kanilang bahay ang biktima at umuwi sa bahay ng kanyang nanay.

Kusang-loob na sumuko sa mga pulis ang suspek matapos na ito ay mangum­pisal muna sa simbahan. (Ronilo Dagos)