Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Misis pinatuklaw sa cobra para magkapera

0 76

Guilty ang naging hatol sa isang mister nang mapatunayang siya ang may pakana kaya namatay ang kanyang dyowa dahil sa tuklaw ng cobra.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Suraj, taga-India.

Nauna rito’y natagpuang patay ang misis ni Suraj na si Uthra noong May 2020 sa loob ng kanyang tahanan dahil sa tuklaw ng ahas.

Ngunit napatunayan ng korte sa Kollam, Kerala na pinlano ng lalaki ang krimen at sinadyang patayin ang kanyang misis nang lihim nitong pakawalan ang nasabing ahas para tuklawin ang kabiyak.

Lumitaw din na hindi lang unang beses isinagawa ang krimen kundi ikalawa na nang mabistong Marso 2020 pa lang ay tinangka nang patayin ng salarin si Uthra.

Nabatid na pinakasalan lang ng akusado ang nasawi para sa pera at dowry.

Leave A Reply

Your email address will not be published.