Una sa Balita

Misis patay, asawa agaw-buhay

Magkaangkas na rider tinumbok ng kotse

By
0 561

HINDI na nabuhay ang isang 40-anyos na ginang habang kritikal ang asawa nito nang tumbukin sa puwitan ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Silang, Cavite.

Namatay habang ginagamot sa Silang Specialist Medical Center ang biktimang si Evelyn Velarde, isang siomai vendor dahil sa pag­kabagok ng kanyang ulo habang inoobserbahan pa ang asawa nito sa nasabi ring ospital na si Jerson Velarde, 45, tubong South Cotabato, isa ring siomai vendor at kapwa residente ng Brgy. Anahaw, Silang Cavite.

Kinilala naman ang driver ng isang Honda City Sedan na si Rondel Manipis, 25, binata, isang seafarer ng Brgy.
Litlit, Silang, Cavite.

Sa ulat ni SPO1 Henry Abarca ng Silang Municipal Police Station, kapwa binabagtas ng mga biktima at suspek ang South direction ng Kalubkob, Road sa Silang, Cavite dakong alas-11:20 kamakalawa nang gabi. Sakay ng motorsiklo na walang plaka si Jerson habang angkas nito ang asawang si Evelyn.

Nasa unahan ang minamanehong motorsiklo ng mga biktima at kasunod nito ang suspek nang pagsapit sa nasabing lugar ay binundol nito ang motorsiklo ng mga biktima.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang mag-asawa sa semento.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy