Una sa Balita

Misis ni-rape ng kainuman

0 1,059

KALABOSO ang isang construction worker dahil sa panggagahasa nito sa isang ginang na kanyang nakainuman sa Plaridel, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Edwin Crisostomo, 35-anyos, may kinakasama, construction worke­r at nakati­ra sa Brgy. Sta. Ines, Plaridel na nahaharap ngayon sa kasong rape matapos gahasain ang lasing na biktima na itinago sa pangalang ‘Karla’.

Nakipag-inuman umano si Karla sa ilang kaibigan sa lugar, kasama ang suspek, at nang malasing ay dito na ito nagpasyang magpahinga.

Gayunman, sinamantala ng suspek ang kalasingan ng biktima at pinuntahan ang ginang sa loob ng kuwarto nito. Nahuli ito sa akto ng anak na la­laki ng biktima habang nasa ibabaw ng kanyang ina.

Dito na humingi ng tulong ang mga kaanak ng misis sa awtoridad kaya mabilis na nadakip ang suspek. (Jun Borlongan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy