Una sa Balita

Misis ni Matt Evans arestado sa Estafa

0 855

DINALA sa kostudiya ng Makati City ­Police ang misis ng aktor na si Matt Evans ­kaugnay na isinampang kaso laban dito na may kaugnayan sa Estafa, Miyerkoles nang hapon.

Sa loob ng Makati City Hall sa Brgy. ­Poblacion naaresto ng mga tauhan ng ­Warrant and Subpoena Unit si Riza ­Katrina Favis ­Evans, 32, negosyante, alas-5:30 nang hapon.

Ginawa ang pag-aresto sa bisa ng ­warrant of arrest na inisyu ni Makati City ­Metropolitan Trial Court (MTC) Judge ­Clemente M. ­Clemente ng Branch 66-A ­dahil sa kasong ­Estafa na kinakaharap nito.

Ayon kay PMaj. Gideon Ines, hepe ng Station Investigation and Detective ­Management Branch, may kinalaman sa dating negosyo ni Katrina ang nasabing kaso.

Sa rekord ng korte, noong Oktubre 2017 nabatid na ­nakatangay si Evans ng P2 ­milyon na investment buhat sa isang Arran Lester Galvan para sa produksyon ng pelikulang ‘Goyo: Ang Batang Heneral’ nang magpakilala ang suspek na konektado sa TBA Studios na siyang nag-produce nito.

Nagpiyansa na umano ang aktor ng nasa P30,000 para sa pansamantalang paglaya ng asawa.

Nabatid pa na may kinahaharap din si Katrina na cyber bullying case sa lalawigan ng Cebu pero nagbayad na umano ito ng piyansa para rito.

Napagalaman noong ­Oktubre, inihayag ni Matt na sinampahan nila ng kaso ang isang nanloko sa kanyang misis.

Ito’y matapos ­matangayan umano si Katrina ng halos P6 milyong halaga ng gamit sa loob ng tatlong taon sa ­pagre-resell nito ng mga designer bag at ­alahas. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy