Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Misis ni Kabayan na si Arlene de Castro pumanaw na

0 112

Pumanaw na ang former ABS-CBN executive na si Arlene de Castro, na kabiyak ni Noli de Castro nitong Sabado ng umaga.

Kinumpirma ito ng anak na si Kat de Castro, PTV-4 General Manager.

“I feel so down. My heard hurts and my tears never seem to stop.

“I love you mommy very much…” ang malungkot na mensahe ni Kat de Castro.

Mababasa rin sa Twitter ang mensahe ni MJ Felipe, showbiz reporter ng Kapamilya channel.

“Tita Arlene. Thank you for touching my life. I will keep all your messages close to my heart. Binabalikan ko now lahat ng messages mo sa akin. Love you always. Condolences to the whole De Castro family,” sabi ni MJ.

Si Arlene Sinsuat de Castro ay pinanganak sa Cotobato noong 1955. Nagsimula ang kanyang media career noong 1981. At noong 1986 naging executive producer siya sa ABS-CBN.

Noong 1990 ay nagging Vice President siya ng Current Affairs Department ng ABS-CBN. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.