Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Misis ni `Ka Oris’ target ng AFP

0 123

KASUNOD ng pagkamatay ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) leader na si Jorge “Ka Oris” Madlos, sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na target nila ngayon ang asawa nitong isa ring ranking official ng communist terrorist group.

Umaapila si Maj. Gen. Romeo Brawner Jr., commander ng 4th Infantry Division (4ID), kay Myrna Sularte alyas Maria Malaya, na sumuko na o di kaya ay baka matulad lang ito sa kapalaran ng 72-anyos na mister na namatay sa bakbakan kontra sundalo sa Bukidnon noong Sabado.

“There are still other (NPA) commanders, especially Malaya who is now operating in Caraga. She is the highest officer in Caraga,” sinabi ni Brawner.

Sinabi ni Brawner na kontrolado ni Sularte ang Northeastern Mindanao Committee sa Caraga at nagsasagawa ng extortion activities.

Si Madlos ay napatay kasama ang isang NPA medic na si Eighfel Dela Pena (alias Pika/Maui), sa Sitio Gabunan, Barangay Dumalaguing, Impasugong.

Napatay sila ng tropa ng 8th at 88th Infantry Battalions at ng 1st Special Forces Battalion. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.