Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Misis ni ‘El Chapo’ kalaboso

0 77

Inaresto ng mga awtoridad sa Untied States ang misis ni Joaquin ‘El Chapo’ Guzman Loera, ang lider ng Sinaloa Cartel.

Batay sa ulat, hinuli si Emma Coronel Aispuro, 31, sa Dulles International Airport dahil sa kasong may kaugnayan sa pagkakasangkot nito sa international drug trafficking.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inakusahan din si Aispuro na nakipagtulungan sa iba pang sangkot sa pagtakas ni Guzman sa bilangguan sa Mexico noong 2015.

Matatandaan na nahatulan ang kilalang drug kingpin noong 2019 sa Eastern District ng New York dahil sa pagiging lider nito ng nasabing Mexican drug organization.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.