Una sa Balita

Misis ng tatakbong US president minolestiya ng doktor habang buntis

0 447

NILANTAD ng misis ni US Democratic presidential candidate Andrew Yang na siya’y hinalay ng kanyang OB-GYN habang nagdadalang-tao sa panganay niyang anak.

Sa isang panayam noong Huwebes sa CNN ni Evelyn Yang, nangyari umano ang pangmomolestiya noong 2012, at 31 din ang naghain ng reklamo sa doktor at ospital kung saan nangyari ang sexual abuse.

Isang Dr. Robert Hadden umano ang kanyang naging doktor noong 2012, kung saan nagtatanong umano ito tungkol sa kanyang mga sexual activity.

Pitong buwan na umano ang kanyang pagbubuntis ay bigla siyang hinila ng doktor ng lalabas na sa clinic tapos ay sinabing baka kailangan niyang magpa-caesarian section saka siya hinubaran at pinasok ang daliri sa maselang bahagi ng kanyang katawan.

Hindi na umano bumalik si Yang sa OB-GYN, at nakatanggap ng sulat matapos manga­nak na wala na umano sa nasabing ospital si Hadden.

Nagdemanda si Yang pati ang 31 iba pang hinalay umano ng doktor, kasama na ang Columbia University kung saan ito nagtrabaho.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More