Una sa Balita

Misis ng senatoriable nagkalat sa kampanya

By
0 698

MUKHANG palpak ang gimik ng isang senatoriable na gamitin pati ang kanyang asawa sa kanyang pagkampanya.

Sa halip na kasi matuwa ang mga audience sa ating bida dahil ipinagmamalaki nito ang kanyang asawa, ay tila marami pa ang naiirita kasi halatang pi­lit ang performance ng kanyang kabiyak.

Bulong sa atin ng ating amuyong sa halip na raw masiyahan ang mga nanonood sa bawat campaign rally ng ating bida ay nababagot sila sa duet ng mag-asawa dahil obviou­s naman na hindi sila mga singer.

Komento pa nga ng ating amu­yong, sana raw ay hinayaan na lang na ma­ging display sa stage ang kabiyak ng senatoriable kaysa pakantahin pa ito.

Sayang daw kasi ang ganda ng asawa ng ating bida dahil natabunan ito ng hindi kaaya-ayang boses sa pagkanta.
Pintahan n’yo na. Ang ating bida ay may letrang O sa kanyang pangalan, as in Okray.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy