Una sa Balita

Misis ng parak nalunod sa swimming party

By
0 1,499

Nagwakas sa trahedya ang masayang birthday celebration ng ina ng isang pulis makaraang malunod ang misis ng huli sa nirentahang swimming pool sa Pasong tamo, Quezon City, noong Martes ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang nalunod na ginang na si Rocel Capalaran Montales, 28-anyos, walang trabaho at residente ng No. 45 Sitio Evergreen, Brgy. Pasong Tamo ng nasabing lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Jerrome Dollente, ng CIDU-QCPD, ang insidente ay naganap dakong alas-5:30 ng hapon sa swimming pool na matatagpuan sa Urbano St., Philand, Brgy. Pasong Tamo nang malunod ang biktima.

Nabatid na nagtamo ng malalim na sugat ang ginang sa kaliwang paa na posibleng nadulas umano at tuluyang nalunod.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy