Una sa Balita

Misis ng Masbate vice mayor pinaaresto ng Manila RTC

0 1,089

Inutos ng Manila Regional Trial Court na arestuhin ang asawa ng pinaslang na Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III kaugnay ng kasong libel na isinampa laban sa kanya ni Philippine Chari­ty­ Sweepstakes Office (PCSO) Director Sandra Cam.

Batay sa inisyung­ arrest order ni Manila­ RTC Branch 49 Presiding­ Judge Daniel Villanueva, nakitaan niya ng probable cause ang isinampang kaso ni Cam laban kay Lalaine Yuson kaya inutos ang pag-aresto dito at itinakda ang piyansa na P30,000.

Kinasuhan ng libel ni Cam ang maybahay ng pinaslang na vice mayor matapos itong magpatawag ng ilang beses na press conference kung saan itinuro nito si Cam na siyang nag-utos patayin ang kanyang asawa sa kabila ng kawalan ng ebidensiya. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More