Una sa Balita

Misis nanlalaki raw: Abueva itinanggi ang mga akusasyon ng asawa

0 572

AMBUZZ!
Ambet Nabus

Mabilis na idine-nay ni Calvin Abueva ang mga alegasyon ng asawa nitong si Sam Abueva kaugnay ng pagmamaltrato sa kanya at mga anak nila.

“Pulos k­ababalaghan at walang katotoha-nan,” bahagi ng sagot ng kontrobersyal na PBA player na nanga-nganib ngang matanggalan ng lisensya as pro-cager dahil sa mga kinasangkutan nitong gulo sa paglalaro, kasama na ang huling paglaro nito sa tinatawag na ligang-labas sa Montalban, Rizal.

Pero kung totoo mang merong mga ebidensya ang asawa niya lalo na ang mga video ng pambubugbog na ayon pa rito ay nasa abugado na at may kaso na siyang isinampa, plus mga blotter-record sa bawat barangay na sinakop ng palipat-lipat nilang tirahan, baka nga mapadali ang pagkakakulong sa PBA player.

Inakusahan naman ng “panlalaki” ni Calvin ang asawa kaya umano niya ito hiniwalayan. Kaya naman ang netizen na noon pa intrigang-intriga sa naging kaugna-yan ng basketbolista kay Vice Ganda, ay nagpapayo kay Sam na akusahan din niya ang asawa ng “pamamakla”.

Hay, grabe…pero ang feeling namin ay hindi ito papansinin ni Vice dahil sa ngayon, obvious na masayang-masaya ang lovelife niya.

Hindi lang talaga maiiwasang ma-drag ang name niya lalo pa’t dati na naman nilang ipinapakita sa publiko ang closeness nila ni Abueva.

‘Mataba’ ni Ashley panlaban sa mga body shamer

Masaya kami na isa na ngang ganap na Star Music a­rtist under DNA Music ang isa pa naming baby na si Ashley Aunor aka Cool Cat Ash, ang younger sister ng alaga rin naming si Marion Aunor.

Magkaiba ang tunog at musika nila. Si Marion ay pop-ballad at mahusay ring songwriter at soon ay aarte na rin, while Ashley loves pop and alternative rock, plus she is one very good music producer at soon ay music engineer!
Sa DNA Music ilalabas ang unang single niyang MATABA, her advocacy about body shaming at body positi-vity, na sinusuportahan ni Marion dahil established na nga ang huli as an artist and songwriter.

Pero madalas silang may collaboration and in fact, ang isa sa mga kanta ni Marion na gagamiting sound track ng Anne Curtis-Marco Gumabao movie na Just A Stranger, ay prinodyus ni Ashley and it’s entitled, “Delikado”.

Kaya mga ka-Abante, let’s welcome Ashley aka Cool Cat Ash at eenjoy natin ang mga likhang tunog at musika niya kung paano rin nating minahal at sinuportahan si Marion!

Tama kami di ba ka-patid/mare Lala A­unor?

Vice Ganda tinustusan ang pag-aaral ni Ion Perez

Kami ang madalas na kiligin sa kung paanong sinasagot ni Ion Perez ang mga bagay-bagay sa portion ng KapareWho sa ‘It’s Showtime’ nila ni Vice Ganda.
Hindi pa ganun ka-showbiz si Ion na magpapakyut o gagawa ng script niya para mapansin, kaya’t para sa amin, laging may bahid ng katotohanan at ini-a-apply niya sa sitwasyon nila ni Vice ang mga tanungan-sagutan nila.
Madalas pa nga ay diretsahan na sinasagot ng guwapong Showtime mainstay ang kung anong meron sila ni Vice pero siyempre, iniiwas na lang ng magaling na si host.
Doon nga rin yata namin nalaman na ini-enroll daw o binigyan ng “tutor” ni Vice si Ion para mas mag-improve ang hosting and communication skills nito.
Kaya kung hindi man nga totoong meron silang relasyon, sobra naman nilang galing umarte sa harap ng kamera. Hahahaha! (Ambet Nabus)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy