Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Misis nanindigan: Jio buking na, nananakit pa

0 410

IDINIIN ni Kristina ang kanyang mister na si Jio Jalalon sa isyu ng pambababae ng PBA player.

Sa Monday episode ng ‘Idol in Action’, ikinuwento ni Kristina ang ilan pang detalye sa umano’y panloloko sa kanya ni Jalalon, at ang mismong babae pa raw ni Jio ang nagsumbong sa kanya.

Nang magsimula siyang mag-post sa Instagram ng ginagawa sa kanya ni Jio, dito lumantad ang isang babae na nag-send sa kanya ng video kung saan makikitang dumidila-dila ang Magnolia guard.

“Nung nag-post po ako, dun pa siya biglang lumabas siguro natatakot din po siya na madamay,” ayon kay Kristina.

Lahad pa ni Kristina, sinabi sa kanya ng babae na last year pa raw nakikipag-usap si Jio kaya nagsumbong na ito sa kanya.

Nabisto rin ni Kristina na nakitulog si Jalalon sa nasabing babae.

“Natulog lang daw po ng isang beses, sabi [nung girl]. Nag-kiss lang daw po [sila],” sambit pa ng misis ni Jalalon.

Ginamit umano ni Jio ang Instagram account ng kapatid nito para makapag-message sa naturang babae,

Nang komprontahin ni Kristina si Jio, hindi raw ito umamin at medyo nasasaktan pa raw siya.

‘Hindi po siya umamin, medyo nananakit din po siya kasi ayaw niya pong nagbubunganga ako,” sambit pa nito.

Paliwanag ni Atty. Garreth Tungol, puwedeng makasuhan si Jio kung sakaling totoo ang umano’y pambabae nito habang kasal kay Kristina.

“Hindi man nakikipagtalik ang mister sa sitwasyon nila, the mere fact na nakikipag-cohabit siya with concubine, enough na ‘yon to file concubinage,” ayon sa abogado.

Sinubukang kunin ng programa ni Raffy Tulfo ang side ni Jio ngunit binababaan sila nito ng telepono nang tawagan ang basketbolista. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.