Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Misis na magsu-suicide, sinagip ng korporal

0 11

Petmalu ang isang tauhan ng Philippine National Police (PNP) dahil nasagip niya ang isang misis na gustung-gusto nang magpakamatay sa Tacloban City.

Nakilala ang bida na Police Corporal Rico Estrella, ng Tacloban City Police Station 2 matapos iligtas ang isang 20-anyos na ina na nagbabalak na tumalon sa gusali ng isang bus terminal noong September 8 dahil umano sa malaking problema sa puso at pamilya.

Ayon kay Estrella, nag-iikot sila sa bus terminal nang makita ang isang babae na aktong tatalon mula sa ikatlong palapag ng gusali kaya agad siyang pumanhik at kinumbinse ang biktima na nakararanas ng depresyon.

Napayapa ng corporal ang batang ina na nakararanas ng postpartum depression at financial problem kaya naisipang tapusin na ang buhay. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.