Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Misis na-hit and run ng van

0 105

PINAGHAHANAP ng pulisya ang driver ng isang Isuzu Wing Van Truck na hindi naplakahan matapos nitong takasan ang pagkamatay ng isang ginang na kanyang nasagasagaan habang tumatawid sa Carmona, Cavite Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Maribeth Purificacion, 40, factory worker, taga-Brgy Lantic, Carmona, Cavite na hindi na umabot ng buhay sa Pagamutang Bayan ng Carmona. Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng driver ng Isuzu Wing Van truck na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni PSSgt Charles Virtudez ng Carmona police, tumatawid sa kalsada sa Brgy Bancal alas-6:00 kamakalawa ng umaga nang mabangga van patungo sa direskyon ng General Mariano Alvarez.

Imbes na saklolohan ang biktima ay pinasibad nito ang sasakyan at iniwan itong duguang nakahandusay.

Isinugod ang biktima sa ospital subalit idineklarang dead on arrival. (GENE ADSUARA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.