Una sa Balita

Misis binistay ng bala, bago ulo pinasabog

0 305

PATAY ang mag-live-in partner na security guard matapos barilin ng lalaki ang babae at pagkatapos ay nagpakamatay sa Biñan City, Laguna Sabado nang gabi.

Kapwa nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Biñan sina Logie Palmera Sr. at Jeralyn Laña, kapwa residente ng Southville 5, Barangay Timbao.

Nagtamo si Laña ng mga tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan samantalang isang tama ng bala ng baril sa ulo ang ikinamatay ni Palmera.

Batay sa report ng Biñan City police, sinundo ng la­laki ang kanyang kinakasama sa duty at umuwi upang pag-usapan ang binabalak na pakikipaghiwalay ng babae.

Nauwi umano sa matinding away ang pangyayari matapos mabigo ang lala­ki na makumbinsi ang asawa na ituloy ang kanilang relasyon.

Sa sama ng loob, nabunot ng mister ang kanyang .9mm service firearm at sunod-sunod na ipinutok sa babae.

Matapos matanto ang nagawa ay itinutok umano ng lalaki ang baril sa ulo at saka kinalabit. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy