Una sa Balita

Misis binigti ng bilyonaryong asawa bago nagpakamatay sa Canada

By
0 39

Murder-suicide.

Ito ang inisyal na anggulo na iniim­bestigahan umano ng pulisya nitong Sabad­o, matapos makita ang bangkay ng bilyonaryong si Barry Sherman at asawang si Honey sa basement ng kanilang bahay sa Toronto.

Magdamag na sinuyod ng mga imbestigador ang mansyon ng mag-asawa, kasabay ng pagsasagawa ng post-mortem examination upang malaman kung paano namatay ang dalawa.

Bagama’t itinuturing ng pulisya na ‘suspicious’ ang pagkamatay ng mag-asawa matapos matuklasan ang kanilang bangkay noong Biyernes, wala pang suspek ang mga pulis kung sino ang maaaring gumawa nito.

Ngunit sa ulat ng pahayagang The Toronto Sun, The Globe at Mail, posible umanong ‘murder-suicide’ ang pagkamatay ng dalawa.

Ito’y dahil sa natagpuan umano ang katawan ni Sherman na nakabitin sa railing sa paligid ng basement pool.

Teorya nila, pinatay muna ng 75-anyos na bilyonaryo ang 70-anyos niyang asawa at ibinitin bago naman siya nagbigti sa tabi ng asawa.

Ayaw namang tanggapin ng mga anak ang teorya ng pulisya.

“We are shocked and think it’s irres­ponsible that police sources have repor­tedly advised the media of a theory which neither their family, their friends nor their colleagues believe to be true,” ayon sa statement ng mga naulilang anak ng mag-asawa.

Wala namang sen­yales o palatandaan na ang mag-asawa ay dumaranas ng depresyon. Nagplano pa umano ang mag-asawa na magbakasyon sa Florida ngayong kapaskuhan.

Si Sherman ay founder at chairman ng higanteng pharmaceutical company Apotex na nagbebenta ng generic drugs sa iba’t ibang panig ng mundo.