Una sa Balita

Misamis Oriental sports complex pinapatakbo ng gobyerno — Mayor Moreno

0 177

HINDI maituturing na private property ang Misamis Oriental Integrated Sports Complex (Moisc) sa Cagayan de Oro City, ayon kay Mayor Oscar Moreno.

Reaksyon ito ni Moreno sa ginawang pag-absuwelto ng Office of the Ombudsman kina Misamis Oriental Gov. Yevgeny Vincente Emano at sa kanyang bayaw na incumbent provincial board member President Elipe sa reklamo ng nepotism at graft charges dahil sa kontrobersiya ng Mosaic.

Nanindigan ang alkalde na hindi maaaring ma­ging private enterprise ang Mosaic dahil sa hindi naman ito na-incorporate at walang ‘separate personality.’

“It (Moisc) is not a corporation. It’s very basic: a corporation has its own separate identity distinct from the personalities of it’s owners. But this sports council is not a corporation,” diin ni Moreno.

Kinuwestiyon ng alkalde ang ruling ng Ombudsman noong Hulyo 27, 2018 na nilagdaan ni graft investigation and prosecution officer na sina Rosemil Bañaga at Hilde dela Cruz-Likit at deputy Ombudsman for Mindanao Rodolfo Elman.

Ang reklamo laban kina Emano at Elipe ay isinampa ng isang Ernesto Molina noong Setyembre 29, 2017, ilang buwan matapos na italaga ni Emano si Elipe bilang general manager ng Mosaic.

Inakusahan ni Molina, isang city hall employee,­ sina Emano at Elipe ng nepotism dahil sa magkaanak sila ‘by affinity within the second civil degree.’ Kasal si Elipe sa kapatid ni Emano na si Nadya Emano-Elipe, miyembro ng city council.

Bukod sa nepotism, ang dalawa ay kinasuhan din ng paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials, Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Article 244 ng Revised Penal Code (Unlawful Appointments), malversation, grave misconduct at grave abuse of authority.

Sa kanyang counter affidavit, itinanggi ni Emano ang asunto sa pagsasabing nag-ooperate ang Mosaic bilang private enterprise mula 1976. Sumuporta din si Elipe sa depensa ni Emano na dahil isang private entity ang Mosaic, “It has no obligation to remit any of its collections to the government nor are its procurements subject to RA 9184.”

Ang RA 9184 ay ang Government Procurement Reform Act. (PNA)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy