Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Misamis Oriental may local transmission na ng COVID

0 544

Dineklara ng Department of Health (DOH) na mayroon nang local transmission ng COVID-19 sa bayan ng Naawan, Misaramis Oriental kasunod ng paglabas ng resulta na nahawa ng virus si Vice Mayor Jaime Roa at dalawang iba pa na nakasalamuha nito.

Lumabas ang resulta ng 80-anyos na opisyal noong Hulyo 11 matapos gawin ang RT-PCR test. Siya rin ang unang COVID-19 patient sa lugar. Ayon naman sa DOH regional office, hindi na matukoy kung paano nahawa si Roa. Ang tanging pagbiyahe lang umano ng bise alkalde ay sa Cagayan de Oro at may kinalaman sa trabaho.

Dahil sa contact tracing, agad na nilagay sa isolation ang mga nakasalumuha ni Roa, at noong Martes, lumabas sa result ana nagpositibo rin ang 39-anyos na lalaki mula sa Brgy. Patag, at 57-anyos na lalaki sa Brgy. Poblacion.

Leave A Reply

Your email address will not be published.