Misamis Oriental, 9-oras na brownout

By

Mangangapa sa dilim ang mga residente ng Misamis Oriental matapos ianunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magkakaroon ng siyam na oras na power interruption ngayong araw.

Sa abiso ng NGCP, magsisimula ang power interruption sa ganap na alas-otso ng umaga at tatagal hanggang alas-singko ng hapon bunsod ng isasaga­wang testing sa high-voltage equipment sa Lugait-Pagawan at Lugait-Patag 69KV lines sa Lugait Substation.

Gayunman, tiniyak naman ng NGCP na tatapusin sa tamang oras ang maintenance activity para hindi na huma­ba pa ang power service interruption. 

SHARE