Una sa Balita

Misal, TJ swak sa Flexible int’l table tennis F4

0 267

HATAW ang Team Joola sa isa pang dominanteng laro para bokyain ang Philippine Army, 3-0, nitong Sabado para makasikwat ng semifinal slot sa Men’s Team Open division ng 9th Flexible Cup International Table Tennis Championships sa Harrison Plaza Activity Center sa Malate, Manila.

Naisalba ni World Championships of Pingpong campaigner John Russell Misal ang kabigu­an sa unang set para magapi si George Quijano, 8-11, 11-8, 11-7, 11-9, at sandigan ang dominasyon ng TJ sa torneo na inorganisa ng Table Tennis Association for National Development (TATAND) at inaasistehan ng Flexible Packaging Corporation.

Nauna rito, ginapi ni Chinese import Chen Lei Xin si Kim Ramos, 11-6, 11-6, 11-6; habang walang hirap si Alexis Bolante via walk over win kontra Homer Tiongson upang makausad ang TJ sa semifinals kasama ang Indonesia, Hua Ching at University of Taipei.

Pinadapa ng Indonesia,­ binubuo nina Zahru Nailu­far, Bima Abdi Negara at Luki Purkani, ang Malaysia, 3-0.
Pinangunahan naman nina National team members Richard Gonzales at Jann Mari Nayre ang Hua Ching sa 3-0 panalo kontra Jade Dragon, habang nabokya ngNUniversity of Taipei nina Huang Yu-Jen, Chen Chun-Hsiang at Sung Min-Hong, ang Green Paddle, 3-0.

Naunang dinemolis ng Team Joola, kasama rin sina Jong “The Asian Killer”­ Ortalla, Charlie Lim at Philip Uy, ang Malaysia (3-1), Fleet Marine (3-0) at University of Santo Tomas (3-0) sa first round para makausad sa quarterfinals.

Sa men’s Open singles event, naungusan ni Malaysian Chin Wen Jei si Erwin Edel ng De La Salle University, 3-1, para maisaayos ang second-round showdown kay Homer Tiongson of Phili­ppine Army. Pinataob ni Tiongson si University of Santo Tomas bet Ramon Gomez, 3-2.

Mahigit 400 players­ ang sumabak sa six-division tournament na may nakalaang P50,000 para sa team champion habang may tig-P10,000 ang men’s singles at women’s singles winners. Ang mangungunang players sa kani-kanilang division ay awtomatikong maisasama sa delegasyon ng Pilipinas para sa China for Sports Exchange program ng TATAND, ayon kay TATAND honorary president Charlie Lim.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy