Una sa Balita

Miron napaiyak sa galing ni Racraquin

0 299

Mga laro sa Lunes:

(FilOil Flying V Centre)
12:00nn — Arellano vs San Beda
2:00pm — JRU vs Perpetual

NAIIYAK ang fan ni Francesca Racraquin dahil sa ipinakitang performance nito sa panalo ng San Beda University Lady Red Spikers sa 95th NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Kumayod si Racraquin ng 22 points kasama ang 17 kills at tatlong service aces at dalawang blocks para tulungan ang Lady Red Spikers na ilista ang malinis na tatlong panalo.

“Natutuwa at naiiyak ako kasi ang ganda ng laro ni idol (Racraquin) ngayong­ season, nakaraan lang maganda rin ang nilaro niya sana magtuloy-tuloy,” hayag ni Donna Mae Marcelino na palaging pinapanood nang live si Cesca.

Kasalo ng SBU ang three-time champion Arellano University sa second place habang solo sa tuktok ang College of St. Benilde Lady Bla­zers na may 4-0 record. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More