Una sa Balita

Miranda bumalik sa NLEX; Tiongson tawid NorthPort

0 281

BUMUWELTA pabalik ng NLEX si Michael Miranda mula NorthPort kapalit ni Juami Tiongson.

Aprubado na raw ng PBA Commissioner’s Office ang trade proposal, base sa post sa Twitter ng Road Warriors nitong Martes.

“UPDATE: @pbaconnect has approved the trade. We welcome back Mike to the Road Warriors, and wish Juami the best as he continues his PBA career,” tweet ng @ArangkadaNLEX.

Galing Phoenix, noong 2017-18 ay naglaro si Miranda sa NLEX bago nalipat sa TNT na nagbigay sa kanya sa Batang Pier.

Napunta ng KaTropa ang 6-foot-6 forward/center bahagi ng trade na nagdala kay Poy Erram sa NLEX mula Blackwater.

Ayon kay coach Yeng Guiao, available daw si Miranda kaya kinuha muli nila. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy