Una sa Balita

Mining tuloy ang operasyon

By
0 1

Pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mining stakeholders nitong Huwebes ng gabi, isang linggo matapos na pagbantaang papatawan ng sandamakmak na buwis kapag nabigong sumunod sa pinaiiral na pamantayan sa kapaligiran.

“The President essentially said, for as long as mining groups, big or small, follow the rules on mining and keep environmental laws in mind then there would be no problem and they can continue with their operations,” pagbabahagi ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra sa presscon sa mga naging kaganapan sa pulong ng Pangulo at mining stakeholders.